Saturday, October 1, 2011

Climate Change .... El Nino or La Nina or EL VIEJO?

El Nino or La Nina asan na ba tayo?


May koneksiyon ba ang pagputok ng mga bulkan sa paglamig ng mundo?
Ang mga matitinding sakit gaya ng bird flu nakukuha ba ito sa pagbago ng panahon?
May relasyon ba ang pag-init ng tubig sa dagat sa paglakas ng mga bagyo?
Bakit mas grabe na ngayon ang mga baha, inuulan na tayo pati ang ating pasko?
May magagawa ba tayo sa ating kalikasan para di tayo gagambalahin ng mga La nina o El Nino?


Pag umiinit na ang iyong sinaing malamang aapaw na ang tubig nito. Ganun din ang panahon. Mainit sa kabilang dako ng daigdig malamig naman sa kabila. Tama ang kasabihang kanya kanyang panahon. Di kasi pare parehas ang panahon. Kung tag-ulan man ngayon sa Pilipinas sobrang init naman sa Peru at Ecuador. Parang nilipat lang ng Inang Araw ang tubig, baha dito tagtuyot naman sa kabilang dako o minsan baliktad lang ang mundo. La Nina na ba ngayon dahil panahon ng baha o El Nino na ba tayo? Stange weather ika nga kaya pagusapan natin ito ......
La Nina o ang paglamig ng sea surface temperature sa Equatorial Pacific happens in the Phils between July to September ... a period of our rainy season. Matagal ng pumutok ang Mt. Pinatubo (the 2nd worst volcanic eruption in this century after the Katmai-Novarupta, Alaska, in 1912) but it seems mula nung nagbuga ng maraming alikabok (dust and ash clouds up to 80,000 to 100,000 feet above Earth na nakarating pa sa taas ng Arabia at Africa) sa stratosphere (about 5 cubic km or 17 megatons of magma) nagkaroon ng maraming pagbabago sa weather pattern ng buong mundo. 20 years after the eruption of Pinatubo we are now seeing its effect on climate change. Dahil lalong nasira ang ating ozone layer dahil sa mga aerosol katulad ng gas kung iyong sunogin ang plastic na ibinuga ni Pinatubo at dinagdagan pa natin ito. Pinalamig man ni Pinatubo nasira naman ang weather cycle natin sa mundo. Kaya nabago din siguro ang ating mga ocean temperature na ang kalabasan nito ay magkakaroon ng more floods and destructive typhoon in the tropics. Ang sabi ng NASA ang climate change ay magdudulot ng "Longer, more intense heat waves will become more common. Storms, floods, and droughts will generally be more severe as precipitation patterns change. Hurricanes may increase in intensity due to warmer ocean surface temperatures". http://earthobservatory.nasa.gov/Features/Volcano/ http://earthobservatory.nasa.gov/Features/GlobalWarming/page6.php

In fact lalong lumamig sa Baguio pagkatapos ang Pinatubo gayon din sa China at maramdaman natin ang malamig na hangin ng Siberian wind mula China na dumarating sa atin lalo kung panahon ng pasko hanggang sa buwan ng February. http://www.agu.org/pubs/crossref/2001/2001JD900146.shtml Sabi ng mga scientist instead na umiinit sa America (warming) na sa unang paniniwala pero kabaligtaran ang nangyayari at lumalamig pa daw ito (cooler or -3.2*F in the last 15 years).

Kung bakit mas mainit na ngayon ang summer at mas malamig naman kapag panahon ng taglamig or kung bakit lalong kumakapal ang snow? Global cooling or Global warming? Ang global warming o paginit ng mundo at pagkatunaw ng mga yelo na siyang rason ang maraming ulan daw at pagbaha. Pero ang malinaw sa ngayon di naman daw umiinit ang mundo kundi lumalamig pa nga. Climate change? Or Global Dimming o yung tinatawag nilang pagkabulag ng araw dahil sa pagdami ng greenhouse gases na pagkasira ng ozone layer mas mababa na daw ang sunlight na dumarating sa atin.

Pero ayun sa mga scientifico ang malinaw na napapansin nila ay ang matinding pagbabago sa panahon dahil sa oscillation ng ocean temperaturE (the relationship between the atmosphere and ocean temperature due to energy imbalance). Ano kaya ang rason nito? Maraming pagaaral ang ginagawa dito sa ngayon pero ang ebidensya ay inconclusive o di pa malinaw kung ano talaga ang dahilan kung bakit may pagbabago din sa ocean temperature. Malamang kung ang buwan ay may epekto sa pagkakaroon ng low at high tide sa dagat. Dahil din ba sa relasyon ng ating planeta sa pag-ikot ( earth rotation) niya sa solar system o tadhana na talaga ito ng panahon at palapit na palapit na tayo sa inaasahang katapusan ng mundo? http://www.c3headlines.com/are-global-temperatures-increasing
www.foxnews.com/scitech/2010/01/11/years-global-cooling-coming-leading-scientist-says
Usually ang La Nina (the little girl) or El nino (little boy) ay nagpaparamdam kada 2-5 na taon then balik normal na naman ang panahon. Pero ngayon na shorten o bumaba ang pagdalaw ng La Nina or El Nino at naging mas maraming dalaw ngayon 1-2 years na lang.
The impact of Pinatubo (http://pubs.usgs.gov/pinatubo/self/index.html) parang nakatulong daw sa pagcover ng mga dust particles sa effect ng araw sa ating planeta dahil sa humihinang ozone layer (solar radiation) at lumamig ang buong mundo (about 0.5 to 0.7°C) pansamantala pero pag bumaba na ang mga alikabok sa ulap na ibinuga ng Pinatubo (parang tinapalan lang kasi ang tulo) mas matindi ang epekto nito sa kalikasan dahil mas lalong lumalala ang butas sa ozone layer dahil sa sulphuric acid na binuga ng Pinatubo.
Kung kelan bababa ang mga dust particles baka 20-50 years after the eruption pagkatapos nito sobrang init ang mararanasan naman natin na pagkabawas ng tubig sa dagat o pagtunaw ng yelo sa Arctic Ocean. Ang kwento pa nga ng mga piloto kung lumilipad sila sa taas ng Hawaii at umuulan nung pagkatapos ng pagputok ng Pinatubo madumi ang kanilang wiper sa salamin ng kanilang eroplano. Dahil din sa Pinatubo mas matatanaw mo na ang buwan sa gabi pero dina kasing linaw gaya dati dahil sa alikabok ni Pinatubo. (http://volcanoes.usgs.gov/hazards/gas/climate.php)

So masasabi natin nakatulong pansamantala sa ating lifetime ang Pinatubo pero sa ating mga anak at apo malamang sila ang magnanasa sa kalupitan nito. (warming the stratosphere, and cooling the troposphere but research has also shown that the liquid drops of sulfuric acid promote the destruction of the Earth's ozone layer).

Dahil sa Pinatubo na postpone lang ang pagkasira ng ozone layer pero binago niya ang weather pattern. Masasabing bang ito ay climate change? Oo sapagkat kung lumamig man ang mundo at nagbago ang pagdalaw ng La nina or El Nino lalo naming lumala ang El Viejo. Alam natin ang La Nina ay baha sa atin at ang El Nino ay tagtuyot. Dahil din sa Pinatubo nabago ang maraming ocean temperature lumalabas ang mga sinasabing mga low pressure at biglang nagiging malakas na bagyo. The ocean covers 71% of Earth surface, and plays a major role in climate change and thermal regulation.

Ano ba ang El Viejo (old man sa lenguaheng Espanol) or Anti-El Nino parang itong si La Nina pero Abno o abnormal eto. Ito ay sinasabing El Nino Southern Oscillation or may acronym na ENSO. Nagkakaroon ng ENSO or El Viejo kung magkaroon ng abnormal na pagbabago ng weather pattern or sea level pressure (ocean temperature) sa CEEP or Central and Eastern Equatorial Pacific. Saan yun? Mula ito sa baybaying ng Darwin, Australia hanggang Tahiti. Umiinit ang temparatura ng tubig sa baybayin ng Pacifico malapit sa Tahiti at lumalamig naman malapit sa Australia kaya naghihiwalay ang dalawang hangin (from West to East). Imbalance between cold and warm air? Ito ay nadiskubre ni Sir Gilbert Walker noong kasisimula ang 20th century batay sa kanyang pagaaral sa mga paguulan sa India. Mas bihirang dumalaw pero mas matindi (super typhoon) at mas mabilis na umalis 60 days in a year. Ang dulot naman nito ay sobrang lakas ng bagyo o hanging habagat na darating sa Asia. Papunta eto sa Pilipinas, Taiwan,Vietnam, Japan or China o mas hamak na mas matindi kay La Nina may dulot na sobrang ulan at magbibigay ng maraming baha.http://www.cpc.ncep.noaa.gov/products/analysis_monitoring/ensostuff/ensofaq.shtml#ENSO (http://www.gcrio.org/CONSEQUENCES/vol5no2/article_1.html)

Dumarating ito pagkatapos ng La Nina. Between September to December. Usually in 30-60 day phenomenon. Dumating ang El Viejo noong huli 1997-98. At 3 to 7 year interval. Last year 2010 at ngayon 2011 andito na naman si El Viejo. So kung dumating na si Pedring na isang unang El Viejo sa taong ito malamang ulanin tayo hanggang November o till 2nd week of December. Bihira ang malakas na bagyo o ulan pagdating ng December pero minsan ang El Viejo ay tumutuloy pag dating sa buwan na ito.
Ang El Viejo o El Nino Southern Oscillation (ESNO) ay ito tagtuyot pero mas grabeng baha ang dulot nito pagkatapos ng La Nina. Kung mainit sa summer March to April na karamihan bumabalik ang malakas na dengue malamang mas matinding El Viejo ang darating. Dumarating ang El Viejo pag masyadong lumamig ang temperatura ang tubig sa baybayin ng Australia at umiinit naman sa bandang Peru.

Ang pagbabago din daw ng weather ay siya namang pagsulpot ng maraming sakit. Ang Spanish Flu pandemic na nangyari noong 1918 na kung saan 50-100 million ang namatay na tao sa buong mundo ay may relasyon daw Sa El Nino. Dahil sa tagtuyot (drought) na dulot ng El Nino mula sa India at ibat-ibang dako ng mundo lalo daw kumalat ang pandemic flu na kung saan milyon milyon ang namatay sa mundo. Bakit kaya mas matapang din ang lamok at mas matindi na ngayon ang dengue pag summer at biglang baha naman sa September hanggang December? At ayon sa pananaliksik ng mga taga New Zealand na sina Hales et. al sa kanilang study na "El Nino and the dynamics of vectorborne disease transmission" na published sa Environmental Health Perspectives Magazine. 1999 February; 107(2): 99–102 sinasabi nila na sa 10 countries sa along Pacific like Kiribati, Vanuatu etc. "Climate changes associated with ENSO may trigger an increase in dengue fever transmission in larger, more populated islands where the disease is endemic. There was also evidence of propagation of infection from larger islands to smaller neighbors". (http://www.elnino.noaa.gov/pandemic_1918_1919.html)


Di pa napapagusapan masyado sa news or TV ang El Viejo dahil ngayon lang nagkakaroon ulit ang mga experto ang muling pananaliksik sa ENSO o sa ngayon lang binibigyan ng malaking pansin at tinitignan nila ngayon ang relasyon ng pagbabago ng hangin sa kalangitan at temperatura ng karadagatan ng Pacifico. Isang malaking puzzle sa ngayon kung ano ang sanhi ng ENSO kaya sinasabi nilang phenomenon basta ang malinaw sa ngayon pag nagkaroon ng ENSO may relasyon eto sa mga malalakas na bagyong tumatama sa Pilipinas.

Si Prof. Allan Clarke isang Australiano na nagtuturo sa Florida State University ay binigyan parangal sa taong ito (2011) ng American Meteorological Society ng kataastaasang 2012 Sverdrup Gold Medal Award dahil sa research niya sa ENSO(fundamental contributions to the dynamics of ocean currents and air-sea interaction with particular emphasis on El NiƱo/Southern Oscillation). Ito ay isang hudyat na ang ENSO ngayon ay tinitignan at binibigyan na ng pansin ng mga meteorologist sa impact nito sa ating klima sa buong daigdig. Isa pang tinitignan ng mga scientist ay ang relasyon ng climate change sa biglang pagdating ng mga bagong infectious diseases gaya ng SARS at bird flu. May evidence na ang cholera outbreak na dumating sa Bangladesh noong 1980's ay dahil sa El Viejo or ENSO dahil sa pagbago o anomalya ng temperatura sa tubig ng Indian Ocean saka pagdami ng malaria cases sa Indonesia noong 1997 (http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/10928348) http://www.sciencemag.org/content/289/5485/1766 http://www.earthzine.org/2011/08/10/connecting-environmental-observations-with-cholera-outbreaks-in-bangladesh/

Dahil sa Global Warming nagbabago na ang panahon sa mundo. Di pa sikat sa atin si El Viejo pero sa aking paniniwala at pananaliksik dumarating na ito madalas mula nung pinalamig ng Pinatubo ang mundo nasira tuloy ang dating normal na kalagayan ng tag lamig at tag-init at dahil din sa kagagawan natin sa ating kalikasan mula sa ating pagsunog sa basura (green gas emission) at pagsira sa ating coral reefs na ang dulot ay pagbabago ng hangin sa kalawakan at pagbago ng temperature ng ating mga baybayin . At di lang nangyayari sa atin sa Asia or Australia ang impact ng El Viejo sa kabilang dako ng daigdig ayun sa mga scientist bakit daw kokonti ang nakukuha sa lambat ng mga mangingisda sa Africa kung dumarating din ang ENSO. May relasyon kasi ang weather natin sa Pacific sa Africa, ganun naman ang America sa Europe. May evidence daw sa pananaliksik ng mga eksperto na noon pa matagal na panahon ay dumarating minsan si El Viejo pero matagal ang dalaw di gaya ng dati pero sa ngayon madalas na ang dalaw at pagpaparamdam nito lalong lalo sa tropical Pacific. https://pantherfile.uwm.edu/aatsonis/www/On_the_relation_between_ENSO_and_global_climate_change.pdf

Pag dumating ang magkapatid na La Nina tapos si El Nino, sumusunod naman ang tandang si El Viejo na kung bakit mas destructive ang epekto nito dulot ba ito dahil ba sa pagsira natin sa ating kalikasan na siyang sanhi daw ng climate change o dahil sa natural na phenomena na walang kontrol ang tao gaya sa pagputok ng Pinatubo na lalong sumira sa ozone layer o dahil sa paggalaw talaga ng ating planeta sa kanyang orbit at inaapektuhan niya ang ocean temperature o tanda na kaya ito na malapit na malapit na ang katapusan ng mundo?

No comments: