Tuesday, January 27, 2009

Life Begins at 40

Life begins at 40 …. Hehehe tama ba ito? Ayon sa mga bali-balita galing sa ating bubuwit marami na pala tayo sa batch na hypertensive. Ang sabi nila hypertension is a silent killer. But it can easily be detected and treated. Lampas na tayo sa kalendaryo. Halos malampasan na natin ang lotto pumapasok na tayo kasi sa bingo hehehe….. Ang ibig sabihin kung mataas na ang iyong alta presyon o mataas ang blood pressure o high-blood puedeng pupunta ito sa mas malalang sakit na stroke, atake sa puso (heart attack and heart failure) o kaya chronic renal failure. Ang sabi ng mga doctor nagsisimula karamihan ang high blood pag narating mo ang 50 anyos pataas pero ayun din sa kapaniwalaan ng ilan nagsisimula ito kapag dumarating na ang mga di kanais-nais na karamdaman. Masakit ang iyong batok, masakit palagi ang iyong ulo o kaya ikaw ay palaging nahihilo at parang nagsisikip ang iyong dibdib. Ipagpaumanhin lang sa ibang words o salita at sa ating Dra. Digna at sa aking kaibigang computer ngers hehehe kumusta na kapatid na Ben. Di man tayo graduate medical ako ay hamak na Che-mmerce (Commerce) grad hehehe gusto ko lang ipaliwanag sa aking pagkakaintindi o pag-unawa ng laygo (tama ba sa tagalog) o layman’s view.

Di naman tayo doctor pero sa tagal kung kausap ang mga doctor (paumanhin kay Dra. Digna) minsan kasi pag ako nag sponsor sa mga meeting nila grandrounds or mortality and morbidity conference para na rin ako kasali hehehe ano ang gagawin pag nalaman natin na tayo na pala ay high blood? Noong araw aminin ko ilang beses ko dinaya ang aming annual physical check up. Maalala ko ang palaging isnasabi sa akin ng aming Personnel Manager noon na si Atty. Reganit “libre naman ito iho dapat alamin mo ang sakit mo habang maaga pa”. Palagi kong dahilan paano po pag malaman ko marami na palang bawal. Dinadahilan ko palagi busy ako pumunta sa accredited na doctor at total naman araw araw ko sila kausap hahaha…Hanggang minsan binyahe ko ang Manila-Laoag-Baguio-Manila sa loob ng dalawang araw tapos nag pa meeting ako sa aking mga staff nung bigla ko na lang naramdaman masakit ang aking batok at ako ay nahihilo. Ang sabi kaagad ng aming Medical Director dalhin nyo sa ER ang pinakamalapit eh Makati Med sabi ko wag na lang baka magtagal pa ako dun at marami akong babayaran at isa pa walang magbabantay at kung meron man baka dulot pa ng away hahaha….nagpahanap ako ng sphygmomameter at naghanap ng P.T or nurse sa opisina. Hala ang BP ko umabot ng 180/90. At di ako nakuntento nagpa measure na naman sa iba pero ganun pa rinang lumabas.

Ano ba ang blood pressure? Ito yung lakas ng dugo na dumadaloy sa iyong mga ugat galing sa puso. Umiikot lang kasi ang ating dugo at ang puso bilang sentro ng ating buhay. Sya ang nagbobomba ng dugo sa lahat ng parte ng ating katawan. At kapag barado ang ibang ugat o nagkakaroon ng tinatawag nilang plaque mahirapan ang puso kasi bumabalik ang dugo pag barado hanggang hihina ang iyong puso kasi na pre-pressure masyado ang puso sa pagpitik ng dugo sa iba mong katawan. Pumipitik ang iyong puso ng 72 na pitik bawat minuto. Ang blood pressure ay nagkakaiba sa systolic at diastolic pressure. Systolic ay ang pagbukas ng mga 4 na kuarto ng iyong puso para lalabas ang dugo at ang diastolic naman ang pagsara ng puso para kukuha ng bagong dugo. Kapag hihina ang puso dahan dahan na lang itong gagalaw at tataas lahat ang pressure mo. Ito ang recommended BP classification mula sa JNC. Take note at pinag-aawayan pa rin nng mga eksperto sa Pilipinas kung dapat din natin sundin kasi ang pagaaral ay ginawa ng mga Amerikano na malalaking tao baka siguro mas mababa dapat tayo.

Systolic, mmHg diastolic, mmHg

Normal 90-119 60-79

Prehypertension 120-139 80-89

Stage 1 140-159 90-99

Stage 2 160 above 100 above

Binago lahat ito nung lumabas ang JNC-7 noong 2003 dati dati sa JNC 6 pag 120/80 ang sabi eh normal. Ngayon pag andun ka sa level ikaw na ay pre-hypertensive.

Ano ang iyong gagawin kapag andito ka na sa pre-hypertensive stage? Hehehe ang palaging payo ng mga doctor ay magbagong buhay. Ito yung stage na wala kang nararamdaman pero kung ayaw mong maki-alam lulubha ang hypertension mo at pupunta ka sa stage1.

Ang high blood sabi nga nila ay sakit mayaman hehehe. Kapag ang BP mo eh 120/80 iwas ka kaibigan. Ano ang mga bawal? Marami ng bawal. Iwasan mo ang pagkaing mataas sa sodium gaya ng pagkain niluto mo sa patis at bagoong. Daing na bangus. Ay nakaim-imas ti denengdeng hehehe bawal na rin ang paninigarilyo at sobrang alcohol ngem ok lang wag lang sobra kaibigan. Di naman bawal i-limit mo lang. Sa totoo lang may mga pag-aaral na me dulot ding kabutihan sa puso ang alak ang kaso me allowable limit at pag iyong nasobrahan sobra din ang tama sa yong puso kasi tinataas nya ang blood pressure kasi binibilasan nya ang iyong heart rate o pagtibok ng iyong puso. Ang limit 12 ounces lang dapat ang beer, 5 ounces pag wine at 1 ½ ounces pag whisky na yung 80% proof. Ang mahirap eh yung magsukat pag ikaw ay uminom na. At saka parang gamot hahaha depende rin sa body weight mo mg/kg or kg/oz hehehe…. Pero ang pinakamahirap gawin sa lahat eh pag ikaw me konting timbang eh mag reduced ka muna. Walang pinaka magandang gamot pag pre-hypertensive ka kundi tawag nila lifestyle modification o bagohin mo ang iyong pamumuhay.

Ang stage 1 o kaya stage 2 hypertension eh ibig sabihin hypertensive ka na talaga habang buhay.. At di mo na yan mababago. Ang big sabihin kapag ang BP mo ay umabot sa 140/90 pataas kailangan mo ng madalas magpatingin sa doctor, uminom ng kaukulang gamot at sundin ang payo ng doctor. Sabi nga nila doctor’s knows best. Kapag ang BP mo ay umabot ibig sabihin me tama ka na at the damage has been done wala ka nang magagawa pa para ibalik sa pre-hypertensive stage o normal.

Nung nalaman ko na mataas pala ang aking BP ay grabe ang sabi ko oh Lord maliit pa ang anak ko wag naman masyadong maaga hehehe. Lalo tuloy me nagiisip paano na kaya pag wala ka na mga ganung bagay. Payong kaibigan pag nalaman mo na hypertensive ka sabi nga nila life must go on pero dapat alamin mo na ang mga bawal at dapat mag-iwas sa mga dating kalabisan. Pagkain, paguugali (bawal kasi ang palaging naka simangot) at alak o bisyo. Pag iisipin mo kasi lalo ka talagang ma high blood ka di ka makakain di makatulog baka lalo pang lumala at maging depression hehehe. Pumunta kaagad sa iyong doctor o sa espesyalita sa puso ang tawag sa kanila eh Cardiologist. Makikita mo pag isa syang tunay na cardiologist sa kanyang pangalan sa kanyang karatula at nakalagay FPCC ibig sabihin Fellow Philippine College of Cardiology karamihan ng ganitong doctor naglalagay din ng FPCP or Fellow Philippine College of Physicians. Kailangan mo kasi muna mag Internist yan eh 3 taon lang naman pagkatapos mo ng 4 apat na taon sa medicine. Kapag sya ay FPCP lang at walang FCCC ibig sabihin sya ay Internist lang kung baga kulang pa rin sya sa training sa may sakit sa puso. Ang FPCC ay nag training ng 3 taon either sa Heart Center or PGH marami silang sub-specialty merong echocardiography, invasive cardiology, cardiac transplant, heart failure etc. So 4 na taon sa pre-med, 4 taon sa medicine, 3 taon sa Internal Med at 3 taon sa cardiology training so 14 years para maging dalubhasa hahaha me mga study grant abroad pa yan ngayon mga 1-2 years gaya ng pag-aaral sa genetics, nuclear cardiology etc.. Kaya mahal din sumingil ang doctor hehehe…. Marami tayong magagaling na doctor sa Pilipinas marami sa kanila highly trained o nag practice sa America pag uwi sa Pinas itinuturo sa Heart Center or PGH ang kanilang mga natotohan.

Kapag ika’y nag pa check-up tiyak ang unang sabihin ng doctor ay kailangan mag pa blood test. Kelangan makita ang creatineclearance baka me problema ang iyong kidney at para maipayo sayo ang totoong anti-hypertensive na gamot. Kasi karamihan ng gamot na pang hypertensive ay ilabas mo sayong ihi. Kaya payo wag basta uminom ng gamot kung ikaw ay hypertensive mag konsulta muna sa iyong doctor. Para mabigyan ka ng tama at wastong gamot. Kelangan din nyang makita ang iyong electrolytes, glucose (baka ikaw ay diabetes) at ito na ang pinakamahirap sundin sa lahat ang cholesterol. Ang atherosclerosis o pagbara ng ating mga ugat sa puso (artery) ay dahan dahan (slowly), tuloy tuloy (progressive) saka palaki ng palaki ang bara (cumulative) lumiliit naman ang daluyan ng dugo. Habang tayo ay nagkaka-edad ang ating mga ugat ay humihina na.

Ang cholesterol ay pinaka importante sa ating mga cell membranes sila ang nagtatayo at bumubuhay sa ating cells. Waah ito ang pinaka mahirap kung inaral at wala masyado naintidihan hehehe nung aking product training yang Kreb’s cycle na yan hehehe. Mahalaga ang cholesterol sa ating katawan at ang sobrang cholesterol ay masama sa yong puso karamihan nakukuha ito sa sanhing sobrang taba na kinain mo.

Merong good cholesterol (ang tawag nila eh HDL) ang bad naman eh LDL. High or low Density lipoproteins. Lahat ng ipinasok mo sayong bituka pag na digest ito ay nagiging lipids and proteins. Parang sa accounting garbage in is garbage out. Alak man o gamot ang iyong atay ang taga sala. Ang atay o iyong llver ang syang taga gawa ng cholesterol at sya rin ang tagatanggal ng cholesterol sa dugo mo. So kailangan alagaan mo ito na para rin sa pag-alaga ng iyong puso hehehe. Kasla inserrek mo diay garami (food) idiay tresher (liver) no rummuar ket irik (lipids). Kapag mataas ang iyong cholesterol ang ibig sabiihin lumalapot ang iyong dugo at di sya makadaloy na mabuti sa iyong mga ugat (magkaroon ito ng plaque) at di magtagal binabara nya ito (hardening of the arteries). At kapag barado (parang supply and demand sa economics magkaroon ng imbalance) lalong tumataas ang pressure ng puso para sa pagbomba na dugo para makarating ang dugo sa pinaka malayong parte ng iyong katawan. Imagine mo diay hose ti gripo yo no sullatam napigsa diay danum nga agsubli. Dumakkel diay hose no barado.. Kasdiay met ti marikna ti urat ti pusom no barado. Kapag barado nanganganib na pumotok or rapture dun nagkaroon ng heart attack (myocardial infarction) o kaya stroke. Iba ang stroke sa heart attack. Ang stroke ay sakit sa utak hehehe remember ang utak ang sya nagsasabi sa puso na pumitik. Ang kawalan ng dugo na dadaloy sa utak ang stroke.

Adda aya maaramid mo maikkat diay bara na? Wala pang gamot na na diskubre na tumatanggal sa bara kung meron man nakakamatay naman mga to. Ang remedyo sa ngayon ay opera o surgery o maglagay (insert) ang mga doctor ng maliit na tubo sa yong puso para tumuloy ang dugo o kaya by-pass pagdugtongin ang iyong dalawang ugat at lamapasan ang baradong ugat. Magkano hehehe mabuti kung makakuha ka sa heart center ng mura pero dun na ang pinaka mura sa lahat mga 200,000 pesos bawat isang ugat. Eh mahirap kung tatlo o apat na ugat hehehe. Di pa yun kasama ang bayad sa doctor, ang bayad sa gamot at ang bayad sa hospital.

Ang palaging payo ng ating mga doctor kapag tayo ay hypertensive.

1.. Iwasan ang dapat iwasan o pagbabagong buhay(lifestyle modification). Wala itong bayad hehehe. Depende na lang sayo kung magbuhay mayaman ka pa at kumain ng masasarap o manigarilyo na parang walang katabi o uminon na walang katapusan at magpakalunod sa alak. Puede ang red wine na rich in resveratrol ang kaso me limit din sya. Always remember daw moderate drinking is a safe drinking.

2. Uminom ng gamot. Maraming klaseng gamot. May mga ACE inhibitors (captopril, lisonopril etc. basta lahat na may pril ACE yan hehehe, A2A receptors antagonists gaya ng losartan, valsartan basta lahat ng me tan sa dulo A2A yan, beta blockers sa huli me lol like atenolol, metoprolol, calcium antagonists gaya ng Nifidipine, amlodipine (Norvasc) basta may dipine calcium antagonists yan. Ang mahirap eh kung di yan magkakasama isang beta blocker isang calcium antagonist me kasama pang diuretics o pang pa-ihi para bumaba ang iyong high blood ang tawag dun eh combi o polypharmacy. Kapag sinabi mo ikaw ay nahihilo ipaliwanag mabuti sa iyong doctor baka dala yan eh side effect ng isang gamot at baka kailangan palitan dahil hindi mo yan kagamotan okailangan babaan ang dosage. Pag di mo masyado ipinaliwanag hahaha malamang resetahan ka ng pampahilo dadami pa tuloy ang gastos mo. Malamang bibigyan ka rin ng vitamin B complex pangpatibay daw sayong mga nerves o ugat. Umiwas ka na sa masasarap na pagkain gumastos ka pa sa maraming gamot. Kaya kumikita hehehe maraming nagkakasakit. Isipin mo gagastos ka ng 200-300 pesos araw araw sa gamot para ka na rin uminom ng kalahating case ng San Mig Lite araw araw hehehe.

3. Bantayan ang iyong cholesterol. Ang tamang cholesterol ay mas mababa dapat sa 200/dl at ang pinakamataas o hypercholesterolemia ay mahigit 240/dl. Kapag naman nasa 200 to 240/dl ka ito ay tinatawanag na borderline risk. Pataasin mo ang HDL (good) at pababain ang LDL (bad). Ang LDL ay sanhi ng atheroma o pagbara ng ugat. Dapat daw kailangan masukat ang cholesterol pag tayo ay nagkaedad na ng kada 5 taon sapagkat ito ay sanhing panganib (risk factor) sa sakit sa puso at stroke. Kumain ng tamang pagkain. Iwasan ang pork and beef o mga tinatawag na red meat at iwasan din dapat ang mga matatamis. Medyo dahan dahan ka sa junk foods or processed foods at pasalubong na chocolates basta something sweet (sugar intake) hehehe gaya ng ice cream. Damihan mo daw ang gulay broccoli saluyot pechay malunggay siempre sayote hehehe saka fruits damihan mo ang kain ng saging yes banana kasi it can lower blood pressure it is extremely high in potassium in fact kung me hang-over ka daw nakakatulong sya to rehydrates your system. Maidagdag ko lang hehehe sa mga manginginom na katulad ko drink plenty of fluids (tubig or juice) before going to sleep after a many doses of beers or wines kasi pag tulog ka dehydration during sleep ang sanhi ng hang-over. Marami naman akong ininom na tubig ng alak ang kaso naman mabilis mo rin maubos kasi mabilis din ang iyong sistema bumilis din ang iyong heart rate kaya pagkagising mo uhaw ka pa di ba? …. Ano naman ang mga pagkain na mataas ang cholesterol na dapat iwasan? Balut at itlog pugo yan ang mga pinakamataas hehehe chicken liver, chicken giblets, eggs, beef liver, shrimps, duck meat, crab hay sarap siempre kasama mga pagkain rich in fats lechon, pinapaitan, sinanglaw basta pagkain na fried gaya ng jolibee chicken joy. Basta fried.Iwas ka dapat. Kasono ngaruden diay tinono hehehe problema no asinam hahaha. Kelangan din iwasan mo ang sodium rich diet ang mga pagkain naluto sa patis, bagoong at asin lalong lalo na ang mga pulotan na me shells.Hay karamihan talaga ang bawal eh yung nakasanayan mo masasarap.

Ang gamot sa pagpababa ng cholesterol ay mga fibrates at statin gaya ng Atorvastatin o Lipitor. Baka ma-resetahan kayo ng mahal na gamot talagang ganun ang negosyo dahil malapit si Doc sa medrep tanongin sa kilalalang botika gaya ng Mercury, Benjos o Botica Del Pilar kung ano ang puedeng ipalit na generics. Makakatipid ka ng malaki kapag ehemplo palitan mo ang Lipitor ng generic na gamot gaya ng Vidastat. Kalahati ang tipid mo.

4.. Mag ehersisyo o exercise. Ang overweight daw ay isa sa mga risk factor sa sakit sa puso bukod pa kung mga magulang mo ay may sakit din sa puso. Ang tamang paraan para makaiwas ay mag ehersisyo. Kung puedeng maglakad kaysa sa sumakay mas makakatulong pa sa yong puso. Exercise will burn up fats. Sapagkat ang iyong puso ay muscle ito kelangan din nya ng ehersisyo. Para naman di mabigla magsimula ka dapat dahan dahan. Ayon sa mga cardiologist pinakamaganda at pinaka mura na gamot ng puso ay maglakad 15 to 30 minutes araw araw at makakatulong na malaki sa yong puso. Puede mong dagdagan ang oras mo habang patagal tagal. Ang aerobics ay malaking tulong din ang kaso magbabayad ka pa sa gym. Ang cycling naman sasakit naman ang iyong likod hehehe. San ka pa kung di sa walang kapalit na paglalakad? Mag Cadillac ka na lang kaibigan ang ibig sabihin eh magka de-lakad.

5. Avoid stress. Huwag masyado malalim ang isip hehehe. Kung puedeng kalimotan mo minsan ang pagbibilang at saan mo ilagay ang iyong milyones masama rin sa yong puso ang maraming iniisip. Mapan ka agdalupisak idiay baybay ta maikkat ta muryot mo wenno inka agmuni-muni ken sim-oyem ti angin idiay Banaoang dakkel a banag nga maka relax makatulong pay dita pusom.



Walang ibang makakatulong sa iyo kundi ikaw. Ang mga gamot ay panandaliang lunas. Ang pinaka importante sa lahat ay lifestyle modification. Matoto ka sa nakaraan at pangalagaan ang iyong sarili. Umiwas ka dapat ng hindi dahil ikaw ay napipilitan lang o dahil di mo ito maiwasan ngunit kung gusto mo pang mabuhay ng matagal ito ay dapat at kailangan. Tandaan mo magkita kita pa tayo sa Golden anniversary o year 2033 kaibigan. Malakas ka pang tumugtog ng banda kaya mo pang magsayaw ng cha-cha. Kung totoo man ang kasabihan na Life begins at 40. Umpisahan mo na ngayon ang bagong buhay at meron pang pag-asa. Na malakas at masigla ka pa sa muling pagkikita.

2 comments:

tesjed said...

nice one!!!!!!!!!!!

tesjed said...

I do really like your health story... it will compensate all people who knows how to take care og themselves