Monday, November 3, 2008

Ang Pagbabalik sa Divine Word College of Vigan (high school batch 83)

Bilang pagtanaw sa ating wikang lahi ikanagagalak kong gamitin
ito para sa maliit na mensahe hehehe. Ilang araw na lang sa ating
muling pagkikita upang balik tanawin ang mga nakaraan. Mula nung ating
nilisan ang ating mahal na paaaralan na nagmulat sa atin kung paano
mangarap habang lakbayin ang kinabukasan. Babalik na naman tayo sa
gusali ng DWCV upang gunitain ang mga masayang alaala na kung saan
naisilang ang ating mga magagandang pangarap sa buhay. Ang mga
alaalang mahirap malimot sapagkat ito'y naging masayang parte ng ating
mga buhay. Tayo ay bumabalik sa nakaraan at maikukumpara ang pag balik
tanaw natin sa buhay ng isang SALMON. Ipinanganak sa Ilog ngunit sa
kanyang paglaki ay manigibang bayan sa dagat. At sa kanyang pagtanda
muling babalik na naman ulit sa ilog na pinagmulan. Gaya ng isang
salmon tayo ay magtitipon at magbuklod-buklod upang balikan ang mundo
kung saan naimulat sa atin ang pagkapahalaga ng buhay. Upang makita
ang isat-isa na mula noong dalawanput limang taon na nakaraan ay nabuo
ang buklod na pagkakaibigan at magagandang samahan. Gaya din ng ibang
salmon meron sa atin ang hindi makabalik sa pook ng ating sinilangan
ngunit sa bawat alalala sila ay kasama sa diwa ng ating pagdiriwang.
Naway ang pagkakaibigan na yaon ay lalakas pa habang tayo ay tumatagal
at pagtibayin pa ng maraming panahon.Naway maging iisa pa rin tayo
hanggang sa pagdiriwang ng Gintong anibersaryo!!!!!

No comments: