High school life, on my high school life
Ev'ry memory, kay ganda
High school days, oh my high school days
Are exciting, kay saya
Ano ba ang mga memories na di ko makakalimutan? Sa akin pag umaga si Lakay Merong pag sa hapon si Lakay Moring. Basta bihira sila mag absent. Mahirap pumasok pag umaga kaya huwag ka mag papa late hehehe ....Pag CAT naman magbuhat ka ng rifle tapos kunwari pagod ka na para wala ka ng martsa hehehe… yun pinaka exciting na isa pero marami pa !!!!!
There are times, may problema ka
Kung ang homework, left undone
Pray ka lang, 'wag tawagin ka
Upang di pagtawanan
Minsan pag late me kagandahan din .....Mag pa late ka pumasok. Tapos kunwari di mo alam na me homework daw ….Tanongin mo lang katabi mo “ay may homework ba” ? Meron ba? parang wala naman binigay si Maam ah .... Di ko alam ah pa kopya ha (oh style di ba?) hehehe….
High school love my one high school love
Not infatuation or crush
Tunay 'to s'ya ang buhay ko
Di n'yo lang alam ako'y nagba-blush
Hehe hanggang tingin lang ako nun eh …di kasi me makabili ng bulaklak or makapag yaya sa Magnolia House kasi baon ko kulang na kulang pambili nga lang ng empanada saka pansit kaya kung me nagpaparinig “pa ice cream naman dyan” lalo pag birthday mo mag blu blush ka nga alam na nila nun wala ng datung hehe pero kung pustahan sa billiards mabilis pa kaysa kay FPJ bubunot ng wallet …
Bakit nga ba ang first love ko
Ay di serious, so it seems
Kung alam lang ng first love ko
He is always in my dreams
Siempre marami magaganda at madali kang mabighani sa mga taga Divine ang kaso ….puro lang puppy love .... Ang pinaka love ko nun eh bowling or billiards bay-am man dagita love love istorbo lang isu da ti billiard hehehe…
Ang saya ng high school
Same in yours and my school
Di na mapapantayan
T'yak ganyan ang buhay na sadyang makulay
Alaala kaylan man
Talaga hehe kung puede lang ibalik ang nakaraan … huwag ka lang mag absent kasi pupunta ka kay Principal papirma ka ng excuse slip. Siempre iisa lang ang klase ng sulat mo papirma ka sa guardian angel na seatmate mo “Please excuse me for being absent because I did not call Mang Kepweng that’s why I am sick ….”
High school life, ba't ang high school life
Ay walang kasing saya?
Bakit kung Graduation na'y
Luluha kang talaga?
Oo siempre high school life is the best time of your life… iba ang atmosphere gustong gusto mong makita lahat ng classmate or batchmate mo after 25 years na … Parang San Miguel lite ...masarap balik balikan ....kaya siguro sa reunion magdamagan na inuman....Compared to college iba ang feeling, iba ang mga memories. Uso pag Xmas noon ang exchange gift which halos wala na yun sa college. Uso pa nun ang telegram (PTT or RCPI regalogram) kaya pag minsan di mo alam kung sino ang totoong nagpadala . Siempre mas konti ang assignments saka term paper compared sa college. Sa high school puro book review ....basta huwag mo kalimutan basahin ang preface tapos yung last chapter yun na yon summary na hehehe .... Mas madali lang pumasa sa mga sublects umaten ka lang wag masyado absent plus bumili or magtinda ka lang ng raffle ticket medyo ok na hehehe ….. Hay high school life luluha ka nga pero sa totoong buhay Masaya ka talaga.
No comments:
Post a Comment